LACSON-SOTTO 2022 TANDEM, PORMAL NANG INILUNSAD

Pormal nang inilunsad ngayong araw ang tambalang Senador Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto para sa 2022 Presidential at Vice-Presidential elections.

Sila ang kauna-unahang kandidato na pormal na nag-anunsyo ng kanilang kandidatura.

Itinuturing na “historic” ang nasabing launch dahil sa ito ang kauna-unahang taped campaign launch ng isang presidential at vice presidential tandem.

Ang Lacson-Sotto launch ay pasilip sa magiging takbo ng kampanya sa panahon ng COVID-19 pandemic o new normal.

Ayon kay Lacson , gagawa sila nang maayos na plano para manalo sa darating na eleksyon.

Ang mahalaga aniya sa ngayon ay nagkakaisa ang kanilang grupo.

Sa naging speech ni Lacson kanina, sinabi niya na  gitna ng pandemya ay marami na ang nawawalan ng pag-asa.

“Baon sa utang ang bansa; marami ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang maraming negosyo; nadagdagan ang bilang ng mahihirap; lalo pang dumami ang mga kumakalam ang sikmura; talamak ang korapsyon; laganap pa rin ang ilegal na droga; unti-unti, nawawala ang ilang bahagi ng ating teritoryo sa West Philippine Sea,” sabi pa ni Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na hindi biro ang  mga pagsubok na haharapin ng susunod na administrasyon.

At baon nila sa kanilang pagkandidato ang matagal na pagseserbisyo sa mga Pilipino.

Aminado rin siya na malaking hamon ang pagbabalik ng tiwala ng mga mamamayan sa gobyern at sa mga namumuno.

“Between me and Senate President Sotto are more than 80 years of honest, dedicated, and competent public service. Mayroon kaming sapat na Kakayahan, Katapatan, at Katapangan upang pamunuan ang ating bansa at upang muling bumangon sa ating pagkakalugmok.”

Sabi pa ni Lacson, kaunting tiis na lang at makakaahon na rin tayo.

“Having said all that with all your help and cooperation, this is where Tito Sotto and I intend to steer our country:

From despair to hope… from apathy to emphaty… from fear to trust… from poverty to prosperity… from self-pity to dignity. The Filipino deserves no less.”

The post LACSON-SOTTO 2022 TANDEM, PORMAL NANG INILUNSAD appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments