KARAGDAGANG 22M SINOVAC JABS BIBILIN NG GOBYERNO

Nakatakdang bumili pa ng karagdagang 22 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ang gobyerno.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na inaasahan ang 10 hanggang 12 milyong doses ng bakuna ang darating sa bansa ngayong buwan at dagdag 10 milyon naman sa susunod na buwan.

“The 10 to 12 million for September is already okay while the 10 million for October is for finalization,” sinabi ni Galvez sa isang panayam.

Naunang bumili ng 26 milyong doses ng Sinovac ang pamahalaan na nakumpleto na ang paghahatid sa bansa nitong August.

Hindi naman sinabi kung magkano ang ginastos sa procurement ng nasabing vaccine brand.

Agad naman niyang pinabulaanan ang mga impormasyong umiikot sa social media na mas mahal ang presyo ng Sinovac vaccine kumpara sa ibang vaccine brand.

Kasama rin dito ang impormasyong mura lamang ang Sinovac na inorder ng Brazil na P97.5 kada dose lamang.

“This is an old issue and proganda. As we have said repeatedly, we got Sinovac lower than P700,” paglilinaw n Galvez.

Ayon pa kay Galvez, imposible ang ganoon kababang presyo at malinaw na black propaganda lamang umano.

(Toni Tambong)

The post KARAGDAGANG 22M SINOVAC JABS BIBILIN NG GOBYERNO appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments