DOH, NAGPAPATULONG NA SA PRIVATE SECTOR SA PAGHAHANAP NG ALTERNATIBONG GAMOT KONTRA COVID-19

(Photo courtesy: Manila PIO; Sina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna hawak ang mga gamot na Remdesivir at Tocilizumab)

Humingi na ng tulong ng Department of Health sa pribadong sektor sa paghahanap ng gamot na Baricitinib bilang stock dahil sa inaasahang kakulangan sa experimental COVID-19 drug  na Tocilizumab sa pagtatapos ng taon.

Sa public press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire  na ang gamot na orihinal na para sa arthritis ay may certificate of product registration sa bansa at ginagamit sa ibang pasilidad sa bansa.

“‘Yung Baricitinib may CPR ito at nagagamit na ng ibang facilities natin, may pakikipag-usap din sa private sector, tinutulungan nila tayo na mag-source out ng gamot sa ibang bansa. So hopefully in the coming weeks matulungan tayo ng private sector with these supplies,” ayon pa kay Vergeire sa nasabing public press briefing.

Una nang nai-report kasi na nagkukulang na ang mga ospital sa COVID-19 drug Tocilizumab.

Ito ang ginagamit ng mga ospital para gamutin ang mga severe at critical COVID-19 patients.

May ilang report din kasi diumano na may ilang nagbebenta nito ang itinatago na ang mga gamot at pinagbibili sa presyong P130,000 online samantalang ang suggested retail price lamang nito ay dapat nasa P13,000 hanggang P25,000.

Nag-abiso na ang Drug manufacturer na Roche na posibleng magkaroon ng supply hanggang sa katapusan ng taon kaya naghahanap na ng alternatibong source ang DOH.

Samantala, nag-aalok naman ng libreng Remdesivir at Tocilizumab ang Maynila sa mga nangangailangan nito partikular sa taga- Maynila. Ang rremdesivir ay isa ring experimental drug para sa Covid-19  gaya ng Tocilizumab.

Nanawagan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa publiko sakaling mangailangan ng gamot para sa kanilang mahal sa buhay na nakakaranas ng  “severe and critical conditions” ng COVID-19, ang naturang hamot ay maaring makuha sa lungsod ng libre.

Sinabi ni Mayor Isko na parehong mahal ang presyo ng  Remdesivir at Tocilizumab na  mahirap bilhin ng mga walang kakayahang makabili nito para sa mga nangangailangan.

“Para sa mahirap, middle class, mayaman, nasa public o private hospital, hangga’t kaya naming kayong abutin, kayo ay aabutin namin,” sabi pa ng alkalde.

Kailangan lang umanong makipag-ugnayan ang mga may pangangailangan sa naturang mga gamot sa Manila Health Department at hanapin si Dr. Ed Santos.

(with reports from Jocelyn Domenden)

The post DOH, NAGPAPATULONG NA SA PRIVATE SECTOR SA PAGHAHANAP NG ALTERNATIBONG GAMOT KONTRA COVID-19 appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments