JULIA MONTES, IBINAHAGI ANG PAGIGING DEAN’S LISTER

(Photo courtesy: Julia Montes FB)

Proud na ibinahagi ng 26-year old Kapamilya actress na si Jullia Montes ang pagiging Dean’s Lister niya sa second semester ng school year 2020-2021.

Isang larawan din ang ini-upload niya sa Instagram kung saan makikita ang natanggap niyang certificate of recognition.

Saad niya sa caption: “Gusto ko lng po magpasalamat kay GOD sa lahat ng blessing na binibigay nya sakin na nakakapagaral po ko habang nagtratrabaho.”

“Thank you sa family ko, sa mga professor ko at sa lahat ng mga taong nagmamahal sakin dahil kayo po ang inspiration ko para matupad lahat ng dreams ko thank you God,” dagdag pa ni Julia.

Kasalukuyang kumukuha ng kursong Business Administration major in Marketing Management sa Southville International School and Colleges si Julia sa ilalim ng online classes.

Pinatunayan ng aktres na hindi lang siya magaling sa pag-arte kundi mahusay din pagdating sa kanyang pag-aaral.

(Toni Tambong)

 

The post JULIA MONTES, IBINAHAGI ANG PAGIGING DEAN’S LISTER appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments