(Photo courtesy: quarantine.doh.gov.ph)
Hinimok na ng pamahalaan ang mga COVID-19 patients na may mild symptoms ng sakit na sa bahay na lamang magpagaling.
Ito ay dahil sa pahirapan nang makahanap ng bakanteng COVID-19 beds sa mga ospital.
Sinabi ito ni Dr. Bernadette Velasco, operations manager of One Hospital Command Center nang matanong sa alok ng gobyerno na home care package.
“Sa ngayon po, dahil po sa spike ng cases natin, medyo nahihirapan pa rin tayo na maghanap ng mga hospital,” pahayag ni Velasco sa panayam sa radyo.
Araw-araw, mahigit 500 umano ang natatanggap nilang tawag sa One Hospital Command Center.
“Meron naman po tayong mga ino-offer sa government, may mga home care package doon po natin sila nire-refer kung kakayanin po talaga sa bahay lang po mag-stay ang pasyente,” dagdag ni Velasco.
Sa ganitong paraan, ieendorso na lamang sa barangay health emergency response team o local government unit para i-monitor ang pasyente.
Prayoridad naman na madala sa ospital ang mga emergency cases hanggang sa umayos ang sitwasyon ng pasyente.
(Toni Tambong)
The post COVID PATIENTS NA MAY MILD SYMPTOM, MAG-HOME QUARANTINE NA LANG AYON SA ONE HOSPITAL COMMAND CENTER appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments