Nilinaw ng Department of Health na 17,883 ang mga nagpositibong kaso ng COVID-19 kahapon, September 8, imbest ang naunang ulat na 12,751.
Ayon sa DOH, may 5,132 cases kahapon na hindi naisama sa bilang dahil umano sa naging technical issues sa COVIDKaya.
“Due to the technical issues encountered with COVIDKaya yesterday, we report an additional 5,132 cases from the 12,751 cases yesterday, September 8,” ayon sa pahayag ng DOH ngayong Huwebes, September 9.
Itinama rin ng DOH ang bilang ng recoveris saa 20,192 dahil sa 41 nadagdag.
Dahil sa panibagong kaso ay umakyat na rin sa 2,139,137 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Nanatili naman ang bilang ng namatay sa 34,672.

The post BILANG NG MGA NAITALANG NAGPOSITIBO SA COVID-19 KAHAPON, SEPT. 8, MALI; 17,883 IMBES 12,751 appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments