Muling iginiit ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na hindi face shield ang kailangan ng Pilipinas kundi ang mga gamot kontra COVID-19.
‘Walang bisa ang face shields, bakit ba yan ang pinipilit niyo palagi?’, ani Isko kasunod ng pagpapahayag niya ng pagkayamot dahil sa kakulangan ng suplay ng Tocilizumab at Remdesivir.
“If these medicines (Tocilizumab and Remdesivir) can save lives then we should focus our resources — our little resources on things that can save lives,” ani Domagoso.
Ang Tocilizumab and Remdesivir ay kapwa experimental drugs na ginagamit panggamot sa severe COVID-19 cases.
“Hindi face shields, huwag na kayo makipagkulitan sa akin. Walang bisa ang face shields, bakit ba ’yan ang pinipilit niyo palagi?” anang alkalde sa groundbreaking ceremony ng redevelopment ng Arroceros Forest Park sa Lawton, Manila.
Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na manipis na ang suplay ng dalawang gamot sa bansa.
Samantala, nitong Miyerkoles lang nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya na bawiin ang atas na pagsusuot ng face shield dahil na rin sa pag-usbong ng mga bagong variant.
Sinabi rin ng World Health Organization na hindi pa napapanahon na bawiin ang pagususuot ng face shield sa Pilipinas dahil na rin sa paglaganap ng Delta variant.
(Toni Tambong)
The post MAYOR ISKO, MULING IGINIIT NA HINDI KAILANGAN ANG FACE SHIELD appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments