Maghihigpit muli ang lungsod ng Baguio sa mga bibiyahe sa siyudad para kontrolin ang kasalukuyang tumataas na kaso ng COVID-19 simula September 3 hanggang 19, 2021.
Inutos ni Baguio Mayor Benjamin B. Magalong ang suspensyon ng non-essential travels sa lahat ng lugar sa Baguio City.
Ang essential travels naman mula sa labas ng Baguio ay kinakailangan magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test na isinagawa sa loob ng 72 oras bago pumasok ng lungsod.
Ang mga fully vaccinated na indibidwal ay maaaring ipakita ang kanilang vaccination documents.
Hindi na rin tinatanggap ng lungsod ang Antigen bilang testing method ng mga bibiyaheng wala pang bakuna na hindi residente ng siyudad.
The post BAGUIO, MAGHIHIGPIT ULIT SA MGA BIBIYAHE SA LUNGSOD appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments