Muling tumaas ang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw, September 2.

Nakapagtala ang Department of Health o DOH ng 16,621 na karagdagang kaso kaya umakyat na sa 2,020,484 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 10,965 na gumaling at 148 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.3% (146,510) ang aktibong kaso, 91.1% (1,840,294) na ang gumaling, at 1.67% (33,680) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 31, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Ayon pa sa DOH, maaari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 kaya kailangang patuloy na sumnod sang publiko sa minimum public health standards at maiging pagsasagawa ng PDITR strategies.

Ang pagbabakuna naman ang nananatiling pinakamabisang depensa laban sa COVID-19.

Mahalaga rin na  mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung  may sintomas ng COVID-19.

Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Samantala, dumating naman sa bansa kagabi ang nasa 703,000 doses ng Pfizer  Covid-19 vaccine.

Ang 600,210 doses nito ay nakalaan sa National Capital Region(NCR) at  tig-51,480 doses naman ang ilalaan sa Cebu at Davao.

“Those areas na has been ah heavily affected by Covid-19 and those areas na never been reached by Pfizer because we wanted that all municipalities can have that sort of dry run so that when the majority of the Pfizer will come by October more or less 10M of which will be delivered each month during Oct Nov Dec they already knowledgeable on how to handle critical supplies like the vaccine,” sabi pa ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Tiniyak ni Galvez ang pagdating ng mas marami pang bakuna sa mga susunod na araw.
Katunayan nasa 25 million doses ng mga bakuna ang inaasahan ngayong buwan ng September at 29.5 million doses naman ang inaasahan para sa buwan ng October.

Batay sa pinakahuling tala ng gobyerno, hanggang September 1, nasa 51,900,590 na ang mga bakunang dumating sa bansa.

Sinimulan na rin ng National Task Force against Covid-19 ang pagpapatupad ng recalibrated deployment strategy para sa equitable distribution ng mga bakuna lalong-lalo na sa mga probinsya.

Ayon pa kay Sec. Galvez, sa pamamagitan ng ganitong approach ay mababalanse nila ang bilang ng mga hindi pa nababakunahan, target mabakunahan at ang bilang ng doses ng mga bakuna sa bansa.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post KASO NG COVID-19, MULING TUMAAS NGAYONG ARAW; HIGIT SA 700K NA PFIZER VACCINES, DUMATING SA BANSA KAGABI appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH