(Photo Courtesy: PTV FB)
Sampung tao ang nailigtas matapos sumiklab ang sunog sa ginagawang gusali na katabi ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
Nagsimula ang sunog bandang alas 10 ng umaga kanina, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ang mga ni-rescue ay sinasabing mga empleyado ng construction company.
Ilan sa kanila ang nagtamo ng minor injury at dinala na sa ospital, ayon kay Fire Supt. Alberto de Baguio, Fire Marshall ng BFP Mandaluyong.
Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) na 1:52 nang naideklarang fire under control ang sunog sa Mega Tower, Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.
Ang nasunog na gusali ay ang office building na SM Mega Tower, sabi pa ni de Baguio.
Sumiklab ang sunog sa SM Mega Tower sa Mandaluyong City na nagsimula sa ika-25 palapag ng 50-storey tower.
“Ang kinakain po ng apoy ‘yung foam kung saan nakakabit ‘yung sa aircon. Mula sa 25th floor paakyat po. Nag-layout tayo ng fire hoser na pinadaan po natin sa fire exit,” sabi pa ni de Baguio sa ABS-CBN Teleradyo.
“Nag-umpisa tayo sa 15th floor, dun po natin tinitingnan saan ang source.
Nahirapan ang mga bombero dahil madilim sa loob,” ayon kay De Baguio.
The post 10 KATAO, NAILIGTAS SA NASUNOG NA GUSALI KATABI NG MEGAMALL appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments