UTANG NG PILIPINAS, LUMOBO NA SA P11. 61-TRILLION

Panibagong record high na naman ang naitalang utang ng Pilipinas sa ₱11.61 trilyon sa buwan ng July, ayon sa datos ng Bureau of the Treasury.

Sa pahayag ng ahensya, lumobo ang utang ng Pilipinas kumpara sa ₱11.16-trillion utang noong Hunyo.

Tumaas ang domestic loan sa 2.3% o  ₱8.12 trillion ayon pa sa Treasury department.

Lumobo rin ang foreign loan sa ₱3.49 trillion.

Ito ay katumbas ng 8.2% increase mula naman noong June.

“The net availment of foreign loans added ₱159.34 billion, including ₱146.17 billion from the issuance of USD Global Bonds,” ayon sa Treasury.

Ang pagtaas din ng utang ay maaaring naging resulta ng pagtaas ng local-and-third-currency exchange fluctuations laban sa dolyar na nagkakahalaga ng ₱100.66 billion at ₱3.39 billion, base sa pagkakasunod.

Habang ang guaranteed obligations ay lumaki rin sa 1.3% o ₱444.3 billion mula noong June.

“The higher level of guaranteed debt was due to the impact of local- and third- currency exchange rate fluctuations against the US dollar amounting to ₱6.07 billion and ₱1.25 billion, respectively,” ayon pa sa BOT.

Sa kabila nito, patuloy na sinasabi ng Department of Finance na manageable ang utang ng Pilipinas kahit pa patuloy itong tumataas.

(Toni Tambong)

The post UTANG NG PILIPINAS, LUMOBO NA SA P11. 61-TRILLION appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments