Nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Richard Gordon matapos na gisahin sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ng senado si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao.
Diretsahang sinabi ni Duterte sa publiko na huwag iboto ang lahat ng mga tumatakbo sa pagka-senador lalo na iyong mga nagbabalik-senado dahil walang gagawin ang mga ito kundi ang dumaldal lang at mag-show off.
Partikular na tinukoy niya si Senador Riochard Gordon.
“Huwag ‘nyo ibalik sa Senado kasi magdaldal nang magdaldal ‘yan, mag show off, magyabang. Marami ‘yan, lalo na si Gordon,” sabi ni Duterte sa kanyang pulong kasama ang mga miyembro ng gabinete sa Davao City.
Sa kanyang recorded “Talk to the People” na inere, ngayong Martes, August 31, sinabi ng Pangulo na malinaw ang intensyon ng ilang mga kakandidato na magbabalik-senado ay para magyabang lang.
“Makita mo si Gordon sa mga TV pagka-committee hearing niya.. makita mo marami mga congressman… pag-roll call pero dahan-dahan nyan mawala kasi si Gordon .. Ang champion na nanalo sa anong taon? Anong taon ba iyon? Siya ang nanalo sa talkaton…champion. Lahat puro daldal. Sa kanya ang tanong, kanya iyong sagot at siya magsabi kung mali ka o hindi. anak ng .. ilang beses na iyan. Manood kayo, ganyan si Gordon. Gordon is Gordon. Hindi yan si Gordon ” for the Filipino people”. Maniwala kayo.,” ayon sa Pangulo.
Binanatan ng pangulo si Gordon pagkatapos na 7 oras na hearing sa senado kaugnay pa rin ng umano’y anomalya sa pandemic funds.
“Seven hours bugbugin mo ‘yung tao ng tanong, mawawala ‘yan.
Puro English lang yan. wala.. sabi .. sinong napakulong niya sa anomalya ng gobyerno, sino? At yang si Gordon.. magsalita, magsalita yan. Tingnan mo ngayong eleksyon, bigyan sila ng 30 minutes, magsalitang isang oras yan. Ganun yan. Talkathon nga,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Inihalintulad pa ni Pangulong Duterte si Gordon sa German interrogator ng Nazi.
Sinabi pa ng Pangulo na kapag nagsalita na aniya si Gordon ay nawawala na sa tabi niya ang mga senador na kasama niya sa Committee hearing.
Sigurado aniya siya na alam ni Gordon ito.
Kapansin-pansin din kasi aniya na pilit na nagpapaka-smart si Gordon at wala naman aniyang kuwestiyon iyon dahil pareho naman aniya sila na abogado at nakapasa sa bar.
“Iisa lang naman yan. pero iba ka ‘adre. Ang advice ko sa ‘yo.. magpapayat ka muna para medyo.. nalilipong ako kapag tinignan kita,” ayon sa Pangulo sabay sabing “huwag mong putulin yan huh? Totoo yan. pati iyong buhok mo ngayon iba na ang inapay. Lahat kayo pati si Ping (Lacson) iba ang hairdo.”
Hindi rin nakaligtas si Senador Ping Lacson sa banat ng pangulo. Binalaan niya si Lacson na mayroon siyang natanggap na impormasyon tungkol kay Lacson na ilalabas niya umano sa susunod niyang speech. Isa si Lacson sa mga nagtanong noong August 27 hearing sa senado at dati pang nananawagan sa pagre-resign ni Health Secretary Duque.
“Si Ping naman sila ni Gordon nag-usap. sabi ni Gordon…Duque resigning. May ganoong demand to resign. di ba tayo lang ang mag-demand to resign si Duque. Tama naman si Gordon … Ping, anybody can demand your resignation maski na ice cream vendor. Depende n lang kung sasagot ka o hindi. because there will be questions in days to come na lalabas .. semento nagpunta rin dito ang mga kalaban mo, nagbigay din ng mga dokumento..so, babasahin namin yan.”
(Toni Tambong)
The post DUTERTE: HUWAG IBOTO ANG MGA SENADOR NA MAGBABALIK-SENADO appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments