539 NA MGA BAHAY SA PASAY, ISINAILALIM SA LECQ

Aabot sa 539 na mga bahay sa 119 barangay sa Pasay City ang isinailalim sa Localized Enhanced Community Quarantine (LECQ) dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang mga tahanang  ito ay mayroong tatlo o apat na miyembro ng pamilya na nahawahan ng COVID-19.

August 29 nang umabot na sa 931 kumpirmadong kaso ng COVID ang naitala sa syudad ayon sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano,  sa kabuuang 201 barangay ay 158 sa mga ito ang nakapagtala ng mga indibidwal na nagpositibo at may aktibong kaso ng COVID-19.

Ayon pa kay Mayor Calixto-Rubiano, kabilang sa mga barangay na may mga naitalang matataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ay ang:

Barangay 183-124 kaso,

Barangay 201-75 kaso,

Barangay 184-21 kaso,

Barangay 185-18 kaso,

Barangay 163-16 kaso,

Barangay 171-15 kaso,

Barangay 125-15 kaso,

Barangay 130-13 kaso at

Barangay 188 na may 10 aktibong kaso ng COVID-19.

Sinabi rin ni Calixto-Rubiano na makikita sa COVID-19 update ng CESU na ang buwan ng August ang pumangalawa sa buwan ng March ng kasalukuyang taon na nakapagtala ng may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

Umabot na sa 2,491 aktibong kaso ang naitatala sa syudad ngayong August.

(Toni Tambong)

The post 539 NA MGA BAHAY SA PASAY, ISINAILALIM SA LECQ appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments