Tuloy na tuloy na ang pagbabalik ng Philippine Basketball Association (PBA) bukas, September 1.
Matatandaang sinuspinde ang 2021 PBA Philippine Cup nitong August matapos na sumipang muli ang kaso ng COVID-19 bunsod ng Delta variant.
Tatlong laro agad ang aabangan ng PBA fans bukas kabilang ang Blackwater V.S. TNT na gaganapin ng alas-12:30 ng tanghali, susundan ng Terrafirma VS. San Miguel dakong alas-3:00.
Kukumpleto sa triple-header ang laban ng Meralco at Magnolia Pambansang Manok na gaganapin alas-6:00 ng gabi.
Gaganapin ang mga laro sa Don Honorio Ventura State University (DHVSU) Gym sa Bacolor, Pampanga.
Una nang tiniyak ni PBA Commissioner Willie Marcial na lahat ng koponan ay sasalang sa RT-PCR tests kada pitong araw at antigen tests bago ang kanilang nakatakdang laro.
Linggo-linggong maglalabas ng schedule ang PBA ng mga laro dahil naka-depende ito sa resulta ng COVID-19 tests.
(Toni Tambong)
The post PBA PHILIPPINE CUP, TULOY NA TULOY NA BUKAS, SEPTEMBER 1 appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments