Malaki ang ibinaba ng kaso ng Covid-19 ngayong araw, August 31 kumpara sa kaso kahapon na umabot sa mahigit 20,000.
Base sa datos ng Department of Health, nakapagtala ito ng 13,827 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon.
Kaya naman umakyat na sa 1,989,857 ang kabuuang kaso sa bansa at malapit nang umabot sa 2-million mark.
Ayon naman sa report ng World Health Organization, sinabi nito na ang Delta variant na ang variant na itinuturing na “dominant” ngayon sa bansa.
Mayroon namang naitalang 16,759 na gumaling at 118 na pumanaw.
Samantala, bumaba naman ang positivity rate o ang porsyento ng taong nagpo-positibo sa Covid-19 25.4% base sa 49,187 tests na naiulat noong Aug. 29.
Bagama’t nananatili pa ring nasa critical level o mas mataas sa 20% sa loob ng 23 magkakasunod na araw kaya’t kinakailangan ng karagdagan pang testing.
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 laboratoryo ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naeksamin at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post 13,827 NA KASO NG COVID-19, NAITALA NGAYONG ARAW; BILANG NG MGA NAGKASAKIT NG COVID-19, MALAPIT NANG UMABOT SA 2 MILYON appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments