Mas mabilis makahawa ang bagong natukoy na Omicron coronavirus variant kumpara sa Delta variant, ayon sa World Health Organization.
“Omicron is spreading faster than the Delta variant in South Africa where Delta circulation was low, but also appears to spread more quickly than the Delta variant in other countries where the incidence of Delta is high, such as in the United Kingdom,” pahayag ng WHO sa isang technical briefing.
Dagdag pa ng WHO, ang Omicron ay hindi nakapagdudulot ng malalang sintomas base sa paunang datos pero, humihina ang bisa ng bakuna laban sa impeksyon at transmission ng COVID-19.
“Given the current available data, it is likely that Omicron will outpace the Delta variant where community transmission occurs,” saad pa ng WHO.
Pero, iginiit ng WHO na limitado pa ang datos sa bisa ng bakuna para sa Omicron at kung ano ang dulot ng bagong variant.
Samantala, inilabas naman ng UK Health Security Agency nitong Biyernes, Dec. 10, ang isang research na sinasabing ang full two-dose vaccination course ay mas mababa ang epekto laban sa symptomatic disease ng Omicron COVID-19 variant kumpara sa Delta variant.
Sa kabilang banda, sinabi ng South African researchers na may ilang indikasyon na ang Omicron variant ay mas mahina ang epekto kumpara sa Delta variant at karamihan sa mga kaso ay mild.
“It remains unclear to what extent Omicron may be inherently less virulent,” saad sa technical note ng South African researchers.
Nitong November natukoy sa South Africa ang Omicron variant na sinasabing mayroong ilang ulit na mutation.
Naging dahilan ito ng muling pagtataas ng border restriction ng iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.
Sa tala ng WHO, kumalat na ang Omicron variant sa 63 bansa hanggang nitong December 9.
Hanggang sa ngayon, ang Omicron ay nakapagdudulot ng “mild” illness o asymptomatic cases,
Sa Pilipinas, wala pa rin natutukoy na kaso ng Omicron COVID-19 variant, ayon sa Department of Health.
(Toni Tambong)
The post WHO: Omicron variant mas nakahahawa kumpara sa Delta variant; bakuna humihina appeared first on News Patrol.
WHO: Omicron variant mas nakahahawa kumpara sa Delta variant; bakuna humihina
Source: Trending Filipino News
0 Comments