(Photo courtesy: PBA FB)
Good news para sa basketball fans!
Dahil magbabalik na sa Araneta Coliseum ang Philippine Basketball Association (PBA) sa Miyerkules, December 15.
Inanunsyo ito ni PBA Commissioner Willie Marcial noong Biyernes matapos na aprubahan ng Quezon City government ang paglalaro sa Big Dome kung saan pwedeng manood na rin ang fans.
“Simula Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo, dire-diretso po ang PBA. Sa Araneta na po at pwede na po ang fans,” ayon kay Marcial.
Ang lahat ng mga laro sa Governors’ Cup at ang nalalabing 3×3 games ay lalaruin sa The Big Dome para sa nalalabing araw simula sa December 15.
Ang iskedyul ng laro ay ilalabas linggo-linggo, ayon pap kay Marcial.
Sinabi pa ni Marcial na ang mga interesadong manood ng PBA games ng live ay nararapat na fully vaccinated, nakasuot ng face mask sa lahat ng oras at kailangang may dalang valid government ID para papasukin sa venue.
Nagkasundo ang PBA at Quezon City officials na magkaroon ng 4,000 na maximum capacity sa loob ng Araneta Coliseum para sa live games.
Two seats apart din ang mga upuan ng fans, sabi pa ni Marcial.
Maging sa Pasko ay magkakaroon ng laro ang liga.
Sinabi na rin ng commissioner na nakakuha na rin ito ng permiso sa mula sa Pasay City local government para naman sa mga larong gagawin sa Mall of Asia Arena.
Nagsimula ang Governors’ Cup ng PBA noong December 8.
Ang final leg naman ng inaugural 3×3 tournament ay itinakda sa December 20-21, at ang grand finals ay gaganapin naman da December 29.
(NP)
The post PBA, balik Araneta Coliseum na sa December 15 appeared first on News Patrol.
PBA, balik Araneta Coliseum na sa December 15
Source: Trending Filipino News
0 Comments