Higit 100 katao, pinangangambahang namatay sa pananalasa ng tornado sa Kentucky, USA

(Photo Courtesy: Screenshot from VOA News)

Tinatayang mahigit 100 katao ang pinangangambahang namatay sa Kentucky matapos manalasa ang Tornado na sinira ang 200-mile path sa U.S. Midwest at sa  South, ayon sa isang opisyal.

Nawasak ang mga bahay at kasalukuyang pinaghahanap pa ang mga nakaligtas mula sa mga nasirang bahay at gusali.

Ayon sa mga weather forecaster ang ganoon kalakas na twister ay hindi pangkaraniwan sa malamig na buwan.

Bukod sa mga bahay, nasira rin ang pagawaan ng kandila, fire at police stations sa isang maliit na bayan sa Kentucky.

Apektado rin ang isang nursing home sa Missouri at anim na manggagawa sa Amazon warehouse ang namatay sa Illinois.

Sinabi ni Kentucky Governor Andy Beshear na ang nanalasang tornadoes ang pinaka-mapaminsala sa kasaysayan ng U.S.

Ayon pa sa gobernador, ni-rescue nila ang 40 manggagawa sa pagawaan ng kandila sa syudad ng Mayfield na nakuha sa ilalim ng mga gumuhong bato.

“The devastation is unlike anything I have seen in my life and I have trouble putting it into words,” pahayag ni Beshear sa isang press conference.

“It’s very likely going to be over 100 people lost here in Kentucky,” dagdag pa ng gobernadora.

“This is an historic, if not generational event,” sabi naman ni Gensini, isang professor ng geographic and atmospheric sciences sa Northern Illinois University.

Ayon pa kay Gensini, ang di pangkaraniwang mataas na temperature at humidity ang posibleng makalikha ng environment para sa isang extreme weather event.

Itinalaga na ang 189 National Guard personnel para tumulong sa recovery. Nakatuon ang isinasagawang rescue operation sa malalaking bahagi ng Mayfield na may 10,000 katao.

Sinabi naman ni Mayfield Fire chief Jeremy Creason na nawasak din ang sariling istasyon na pagawaan ng kandila kung saan nagkalat ang mga bali-baling metal, bakal at mga makina.

Kinailangan pa umanong  gumapang ng mga rescuer para mailigtas ang mga biktima.

Patuloy pa rinang isinasagawang rescue operation sa mga survivor sa nasabing komunidad.

“We’ve got Guardsmen who are out doing door knocks and checking up on folks because there’s no other communication with some of these people,” ayon naman sa pahayag ni Brigadier General Haldane Lamberton ng Kentucky National Guard.

Agad namang inaprubahan noong Sabado ni President Joe Biden ang emergency declaration sa Kentucky sa paniniwalang isa na ito sa pinakamalakas na tornado sa kasaysayan ng Amerika.

(NP)

 

The post Higit 100 katao, pinangangambahang namatay sa pananalasa ng tornado sa Kentucky, USA appeared first on News Patrol.



Higit 100 katao, pinangangambahang namatay sa pananalasa ng tornado sa Kentucky, USA
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments