402 na bagong Covid-19 cases, naitala ng DOH ngayong araw, December 12

Mayroong 402 na panibagong kaso ng Covid-19 na naitala ang Department of Health ngayong araw, December 12.

Ayon pa rin sa DOH, ito na ang ika-labingsiyam na araw na nakapagtala ang bansa ng mas mababa sa 1,000 na Covid-19 cases sa isang araw.

Umakyat naman sa 2,836,592 ang kabuuang kaso ng nagkasakit sa bansa.

Mayroon namang naitalang 509 na gumaling at 184 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (11,255) ang aktibong kaso, 97.8% (2,775,057) na ang gumaling, at 1.77% (50,280) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 4 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 10, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng mga kaso sa bansa ay nagpapaalala pa rin ang mga otoridad sa publiko na maging maingat at sumunod sa  minimum public health protocols.

Hinihikayat pa rin ng health department na agad magpabakuna kung wala hindi pa nababakunahan upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Nakatakdang magkaroon ng ikalawang yugto ng National Vaccination Day sa December 15-17, 2021.

(NP)

The post 402 na bagong Covid-19 cases, naitala ng DOH ngayong araw, December 12 appeared first on News Patrol.



402 na bagong Covid-19 cases, naitala ng DOH ngayong araw, December 12
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments