Miss India, itinanghal na Miss Universe 2021

(Photo Courtesy: Pageanthology 101 FB)

Itinanghal na ika-70 Miss Universe ang pambato ng India na si Harnaaz Sandhu sa katatapos lang na Miss Universe Pageant sa Eilat, Israel.

Tinalo ni Miss India ang nasa 79 pang mga contestant ngayong December 13.

Kinoronahan ang bagong hirang na Miss Universe ni Andrea Meza ng Mexico, ang Miss Universe 2020.

Si Miss Paraguay, Nadia Ferreira, ang first runner-up samantalang second runner-up si Lalela Mswane ng South Africa.

Sa final question-and-answer portion ng pageant, tinanong ang mga kandidata:

“What advice would you give to young women watching on how to deal with the pressures they face today?”

“Come out, speak for yourself, because you are the leader of your life,” sagot ni Sandhu.

Si Sandhu  ang ikatlong Miss India na nakoronahang Miss Universe kasunod niba Sushmita Sen noong 1994 at Lara Dutta noong 2000.

Ito naman ang ikalawang Miss Universe pageant na ginanap ngayong taon.

Unang ginawa sa Las Vegas, USA noong May ang Miss Universe para sa 2020 pageant na naantala dahil sa Covid-19 pandemic.

Samantala, ang pambato naman ng Pilipinas na Beatrice Luigi Gomez na mula sa Cebu City ay pumasok sa Top 5.

Si Gomez ay isang Navy reservist at model mula Cebu.

Siya rin ang unang umamin na gay representative mula sa Pilipinas.

Samantala, nagbigay-pugay ang Malakanyang kay Gomez para sa pagbibigay kasiyahan sa bansa sa pagkakapasok niya sa 70th Miss Universe competition na ginanap sa Israel.

(NP/Toni Tambong)

The post Miss India, itinanghal na Miss Universe 2021 appeared first on News Patrol.



Miss India, itinanghal na Miss Universe 2021
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments