Matapos ang limang linggong sunud-sunod na bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo, magkakaroon ng dagdag-singil bukas, Dec 14, ayon sa mga oil company.
May karagdagang P1.35 kada litro sa presyo ng diesel, nasa P1.60 kada litro naman ang dagdag sa gasolina at dagdag-singil na P1.20 kada litro sa kerosene.

Nauna nang nagpahayag sa pagpapatupad ng rollback ang kumpanyang Caltex, Pilipinas Shell, Seaoil, PetroGaz, PTT Philippines at Cleanfuel.
Magsisimula ang dagdag-singil sa mga produktong petrolyo mamayang 12:01 a.m.
May ilan naman kumpanya na 6:00 am ang pagpapatupad at meron din 4:01 ng hapon.
Ayon sa mga taga-industriya, ang dagdag-singil sa petrolyo ay bunsod sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market.
Ang International Benchmark Brent Crude ay nagtaas ng $75 kada bariles mula sa $68 sa mga nakalipas na linggo.
Sa pinakabagong monitoring report ng Department of Energy (DoE) ang year-to-end adjustments ay may net increase na P13.05 kada litro sa diesel, nasa P15.70 kada litro sa gasolina, at P10.49 kada litro naman sa kerosene.
(NP)
The post Pagkatapos ng big time roll back, tataas na naman bukas, Dec. 14, ang presyo ng petrolyo appeared first on News Patrol.
Pagkatapos ng big time roll back, tataas na naman bukas, Dec. 14, ang presyo ng petrolyo
Source: Trending Filipino News
0 Comments