Magbibigay ng tripleng proteksyon ang booster shot matapos na maturukan ng ikalawang doses ng COVID-19 vaccine, ayon sa eksperto.
Sinabi ni vaccine expert Dr. Rontgene Solante, nakita sa pag-aaral na ang protective efficacy ng COVID-19 vaccines ay bumababa sa ika-lima hanggang anim na buwan.
“When you have that high antibody titer, you will also be protected. Less ka makakakuha ng infection…Optimum ang 6 months because maganda ang response compared sa less than 6 months,” pahayag ni Solante sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.
“Hinde lang doble pero triple ang protection kumpara sa first and second dose na natanggap nila,” dagdag ni Solante.
Paglilinaw ni Solante, wala pang datos kung kailangan pa ulit magpaturok ng booster pagkalipas ng anim hanggang walong buwan.
“We need to check the possibility, baka mababa na rin ang kaso. Baka enough na ang booster,” paliwanag ni Solante.
(Toni Tambong)
The post Booster shot, magbibigay ng tripleng proteksyon laban sa COVID-19 appeared first on News Patrol.
Booster shot, magbibigay ng tripleng proteksyon laban sa COVID-19
Source: Trending Filipino News
0 Comments