360 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 13

Patuloy pa rin sa pagbababa ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

Nananatiling mas mababa sa isang libo ang Covid-19 cases sa bansa sa ika-20 beses.

Ngayong araw, December 13, naitala ng Department of Health ang panibagong kaso ng Covid-19 sa 360 katao.

Ipinapakita rin sa tala ng DOH na umabot na sa 2,836,803 ang kabuuang kaso ng nagka-Covid-19 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 519 na gumaling at 61 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (11,083) ang aktibong kaso, 97.8% (2,775,379) na ang gumaling, at 1.77% (50,341) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 4 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 11, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 9 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Samantala, paalala pa rin ng DOH sa publiko na patuloy na sumunod sa minimum health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.

(NP)

The post 360 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 13 appeared first on News Patrol.



360 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 13
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments