Panukalang batas ukol sa extension ng bisa ng 2021 National Budget, aprubado na ng senado

Inaprubahan ngayon ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na naglalayong palawigin ang bisa ng batas ukol sa pambansang budget para ngayong taon o ang House Bill number 10373.

Bumoto nang pabor ang lahat ng 22 senador na present sa plenary session.

Sa ilalim ng panukala,  binibigyan ng permiso ang mga ahensya ng gobyerno na gastusin hanggang sa December  31, 2022 ang mga pondo para sa mga programa at proyekto na hindi nila matatapos ngayong taon.

Kung walang extension, dapat ibalik sa national treasury ang natitirang pondo na hindi na- obligate o hindi naipasok sa kontrata.

Una nang sinabi ni Senator Sonny Angara, Chairman ng Senate committee on Finance, na kailangang palawigin ang paggamit ng pondo dahil maraming proyektong nabitin ngayong 2021 dahil sa pandemya.

Kabilang na ang ilang infrastructure projects at mga programa ng Department of Health para sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga ospital.

(Estrella Bueno)

The post Panukalang batas ukol sa extension ng bisa ng 2021 National Budget, aprubado na ng senado appeared first on News Patrol.



Panukalang batas ukol sa extension ng bisa ng 2021 National Budget, aprubado na ng senado
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments