Mahigit 2.3M doses ng bakuna natanggap ng Pilipinas

(Photo: Dindo Bacolod. Sinalubong ng mga opisyal ng Pilipinas at The Netherlands ang Janssen vaccines na donasyon sa bansa. Dec. 13, 2021)

Dumating sa Pilipinas ang higit 2.3 milyong doses ng COVID-19 vaccines, Lunes ng gabi, December 13.

Sa ulat ng National Task Force against COVID-19, nasa 859,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang 9:00 pm.

Ang Pfizer vaccines ay binili ng gobyerno ng Pilipinas.

1,526,400 doses naman ng Janssen COVID-19 vaccines na donasyon ng Dutch government ang natanggap ng bansa.

Sa pahayag ng embahada ng The Netherlands sa Maynila, ang nasabing delivery ay parte ng 7.5 million Janssen COVID-19 jabs na ibibigay sa Pilipinas.

“This donation is part of the joint solidarity effort of the European Union and its member states to provide at least 100 million vaccine doses worldwide by the end of 2021 to countries in need,” ayon sa pahayag.

Sa tala ng National Task Force against COVID-19, nakatanggap na ang Pilipinas ng 158,540,170 doses ng COVID-19 vaccines.

Base sa pinakabagong datos, aabot na sa 92,911,641 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa bansa.

Hanggang nitong December 13, aabot na sa 41 milyong Pinoy ang kumpletong bakunado.

Ito ay 53.20% ng adult population ng bansa.

(Photo: Dindo Bacolod. Pagdating ng Pfizer vaccine sa Naia Terminal 3, Dec 13, 2021)

(Toni Tambong)

The post Mahigit 2.3M doses ng bakuna natanggap ng Pilipinas appeared first on News Patrol.



Mahigit 2.3M doses ng bakuna natanggap ng Pilipinas
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments