Hindi pa natatagpuan ang walong biyaheo na dumating sa bansa mula sa South Africa dahil sa mali o kulang na personal information, ayon sa Department of Health (DOH).
Tinutunton ngayon ng PIlipinas ang mga biyaherong dumating sa bansa sa pagitan ng Nov. 15 hanggang Nov. 29 sa gitna ng banta ng COVID 19 Omicron variant.
“Ang nagiging challenge natin dito ay mali-mali po iyong detalye sa kanilang personal information sheet,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.
Ayon pa kay Vergeire, ang ilang biyahero ay hindi nagbigay ng kumpletong numero o address at may dalawa namang hindi ma-contact.
Nakikipag-ugnayan ang DOH sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno para matagpuan ang kinaroroonan ng mga biyahero.
“We already flagged the Bureau of Quarantine and Department of Transportaion regarding this matter so they can coordinate with the specific agencies of these individuals,” paliwanag ni Vergeire.
Dagdag pa ni Vergeire na wala pang natutukoy na kaso ng Omicron variant sa bansa.
Sa pinakabagong genome sequencing na 629 samples, 571 ang Delta variant, isa ang natukoy na Beta variant at isa rin ang Alpha variant.
Sinabi ng DOH na Delta variant pa rin ang nananatiling dominant COVID-19 variant sa bansa na 7,848 mula sa 19,305 samples na may lineages.
(NP)
The post Walong pasaherong dumating sa Pilipinas mula South Africa, hindi pa natatagpuan appeared first on News Patrol.
Walong pasaherong dumating sa Pilipinas mula South Africa, hindi pa natatagpuan
Source: Trending Filipino News
0 Comments