Inaprubahan na ng US Food and Drug Administration ang paggamit sa antibody cocktail ng AstraZeneca laban sa COVID-19 infections.
Ang antibody cocktail na tiwanag na Evusheld ay maaaring gamitin sa US para sa mga indibidwal na may mahinang immune systems o dati nang nakaranas ng severe side effects ng coronavirus vaccines.
Gagamitin lang din ang Evusheld sa mga nasa hustong gulang na walang kasalukuyang COVID-19 infection at hindi rin na-expose sa isang indibidwal na may virus.
Nito lang November nang magawa ang kasunduan sa pagitan ng AstraZeneca at US government kung saan magpapadala ang AstraZeneca ng 700,000 doses ng Evusheld.
Ang nasabing antibody drug ay napatunayang nakapagbaba ng panganib na mabuo ang COVID-19 symptoms ng 77% base sa resulta ng late-stage trial.
Habang ang bakuna ay bumabase sa immune system ng tao para makagawa ng targeted na antibodies at infection-fighting cells.
Ang Evusheld ay naglalaman ng lab-made antibodies na dinisenyo para tumagal sa katawan ng ilang buwan.
Ang nasabing antibody ay mas nakapagbibigay ng depensa sa mga indibidwal na immuno-compromised o may mga history ng severe adverse reactions sa bakuna, ayon kay Patrizia Cavazzoni, director ng F Center for Drug Evaluation and Research ng FDA.
Sa kabilang banda, iginiit naman ng FDA na ang Evusheld ay hindi kapalit ng pagbabakuna.
(Toni Tambong)
The post US FDA, inaprubahan ang AstraZeneca COVID-19 antibody drug appeared first on News Patrol.
US FDA, inaprubahan ang AstraZeneca COVID-19 antibody drug
Source: Trending Filipino News
0 Comments