France, kasama na sa Red list countries ng Pilipinas

Kasama na ang bansang France sa Red List countries bunsod ng banta ng Omicron variant simula Dec. 10, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente kumbinsido siya sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na nagbabawal sa lahat ng pasaherong mula sa France na makapasok sa bansa.

Hindi rin papayagan ang mga pasahero na nanggaling sa France sa loob ng 14 na araw.

Tanging ang mga Filipino na magbabalik sa bansa via government-initiated o non-government-initiated repatriation at Bayanihan Flights ang papayagang makapasok pero kailangan pa ring sumailalim sa mga testing at quarantine protocols para sa Red list countries.

“As with the other countries included in the ban, Filipinos coming in may return via government or non-government initiated repatriation and bayanihan flights,” ayon kay Morente.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, ang pagbabawal ay magsisimula ngayong Biyernes, December 10  hanggang December 15, at maaring palawigin pa ng IATF.

Sa kasalukuyan, kabilang sa mga may travel ban ay mga pasahero na magmumula sa 14 na bansa kabilang ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, at  Italy.

Ang France na ang ika-15 bansa na kasama sa red list dahil sa  Omicron variant.

Sa kabila nito, ang mga pasahero na dumating bago ang Disyembre 10, 2021 at kasalukuyang sumasailalim sa quarantine ay kailangan na kumpletuhin ang testing at quarantine protocols simula ng kanilang pagdating.

(Jocelyn Domenden/Toni Tambong)

The post France, kasama na sa Red list countries ng Pilipinas appeared first on News Patrol.



France, kasama na sa Red list countries ng Pilipinas
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments