Sa loob ng 16 na araw, mas mababa pa rin sa isang libo ang naitatalang bagong Covid-19 cases sa bansa.
Ngayong araw, December 9, naitala ng Department of Health ang 562 na panibagong kaso ng Covid-19.
Dahil dyan, umakyat naman sa 2,835,996 ang kaso ng nagkasakit dahil sa virus sa bansa.
Mayroon namang naitalang 882 na gumaling at 176 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (12,169) ang aktibong kaso, 97.8% (2,773,891) na ang gumaling, at 1.76% (49,936) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 7, 2021 habang mayroong 0 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Ayon pa sa datos ng DOH, 7 percent ng mga napaulat na namatay ngayon ay nangyari noon pang November.
“Of the 176 reported deaths, only 8 occurred in December 2021. 7% of the reported deaths today occurred in November 2021 due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” ayon sa DOH.
Samantala, sa National Capital Region (NCR), lumalabas na nasa hanggang average na 105 ang naitatalang bagong COVID-19 araw-araw mula noong December 1 hanggang 7, ayon sa OCTA Research.
Naitala rin ng rehiyon ang reproduction number na 0.34 na mas mababa sa 0.35 reproduction number na naitala mula November 29 hanggang December 5.
Dahil pa rin sa patuloy na pagbaba ng kaso sa NCR, may 11 local government na nasa ‘very low risk.’
Kabilang dito ang Malabon, Navotas, Caloocan, Pateros, Valenzuela, Marikina, Manila, Parañaque, Pasay, Las Piñas at Mandaluyong.
Samantala, nasa ‘low risk’ naman ang Muntinlupa, Makati, Quezon City, Pasig, Taguig, at San Juan.
(with report from Toni Tambong)
(NP)

The post 562 na karagdagang kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, December 9 appeared first on News Patrol.
562 na karagdagang kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, December 9
Source: Trending Filipino News
0 Comments