(In photo: Pila ng mga pasahero sa Kamuning, Quezon City. Photo by Dong del Mundo)
Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng bagong guidelines sa passenger capacity para sa public utility vehicles (PUV) simula ngayon, Disyembre 9, 2021 hanggang Enero 4, 2022.
Ayon sa LTFRB, papayagan pa rin ang 70% passenger capacity sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at iba pang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.
Kapag naman ang isang rehiyon ay may 30% vaccination rate na, ang 50% passenger capacity sa PUVs ay pwede nang itaas sa 70%.
Sa mga rehiyon naman na pinapayagan ang 70% passenger capacity, pero wala pang 30% vaccination rate, ang kanilang Regional Franchising and Regulatory Board ay dapat magsumite ng memorandum sa board na may sertipikasyon ng vaccination rate mula sa Regional IATF o Department of Health Regional Office.
Ang mga PUV na papasok ng Metro Manila ay dapat na pagbasehan ang kanilang kapasidad mula sa kanilang lugar na pinanggalingan.
Habang ang mga PUV na pupunta naman sa ibang rehiyon ay dapat isunod ang passenger capacity sa pupuntahang lugar.
Para naman sa inter-regional routes na hindi dadaan sa Metro Manila, dapat sundin ng PUVs ang pinakamababang passenger capacity sa nasabing rehiyon.
Ipinaalala rin ng LTFRB ang pagsunod sa minimum health safety protocols para sa PUVs tulad ng pagsusuot ng face mask, pagbabawal na kumain at makipag-usap sa telepono, magandang bentilasyon, regular na disinfection at physical distancing sa mga pasahero.
Ang mga lalabag sa protocols ay pagmumultahin, babala ng LTFRB.
(Toni Tambong)
The post Bagong guidelines sa passenger capacity ng PUV simula ngayong araw, inilabas ng LTFRB appeared first on News Patrol.
Bagong guidelines sa passenger capacity ng PUV simula ngayong araw, inilabas ng LTFRB
Source: Trending Filipino News
0 Comments