New Zealand, planong pagbawalan na ang pagbenta ng sigarilyo sa mga kabataan

Plano ng New Zealand na permanenteng pagbawalan na ang mga kabataan na pagbilhan ng sigarilyo.

Bahagi ito ng mga panukalang isinapubliko ng New Zealand at isa sa mga pinakamahigpit na gagawing hakbang.

“We want to make sure young people never start smoking so we will make it an offense to sell or supply smoked tobacco products to new cohorts of youth,” ayon kay New Zealand Associate Minister of Health Ayesha Verrall sa inilabas na pahayag.

Sa ngayon, may 11.6% ng mga New Zealanders mula edad 15 anyos ang naninigarilyo.

Umaasa ang mga otoridad na pagsapit ng June 2022, maipapasa na ang batas para sa pagbabawal na ito sa pagbili ng sigarilyo ng mga kabataan.

Iro-roll out ang pagpapatupad ng batas simula naman sa 2024 at inaasahang pagsapit ng 2027, may “smoke-free” generation na sa New Zealand.

(NP)

The post New Zealand, planong pagbawalan na ang pagbenta ng sigarilyo sa mga kabataan appeared first on News Patrol.



New Zealand, planong pagbawalan na ang pagbenta ng sigarilyo sa mga kabataan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments