370 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 8

Naitala ng Department of Health  ang panibagong 370 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, December 8.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,835,593 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 859 na gumaling at 171 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (12,510) ang aktibong kaso, 97.8% (2,773,320) na ang gumaling, at 1.75% (49,761) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 6, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, tungkol naman sa mga naging adjustment sa bilang ng mga namatay, sinabi ng DOH na kino-coordinate na nila ito sa Epidemioligy and Surveillance Units.

“Of the 171 reported deaths, only 6 occurred in December 2021. 19% of the reported deaths today occurred in November 2021 due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” ayon sa pahayag ng DOH.

Kahit mababa ang mga kaso ngayon, nagpaalala pa rin ang health department na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat na  ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay.

Payo pa ng DOH, agad na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

(NP)

The post 370 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 8 appeared first on News Patrol.



370 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 8
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments