COVID-19 beds sa Manila quarantine facilities, bakante na

(Photo courtesy: PNA)

Wala nang okupadong kama sa COVID-19 quarantine facilities sa Maynila

Batay sa bagong COVID-19 monitoring ng Manila Health Department, 0% na ang bed occupancy sa 14 na COVID-19 quarantine facilities sa lungsod.

Sa district hospitals naman, may mangilan-ngilan pa ring pasyente sa COVID-19 beds.

Sa anim na district hospitals, may kabuuang apatnaput-isang kama o 8% occupancy sa inilaang 501 COVID-19 beds.

Ang COVID Field Hospital naman ay mayroon pang 14 na okupado mula sa 344 na bed capacity.

Sa kasalukuyan, nasa 95 pa ang aktibong kaso sa Maynila, 88,552 ang recoveries at umabot na rin sa 1,724 ang namatay batay sa Dec. 8 monitoring.

Ang kabuuang kumpirmadong kaso ngayon sa Maynila ay umabot na sa 90,371.

Patuloy naman ang panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na laging mag-iingat at sumunod pa rin sa health protocol na ipinatutupad ng gobyerno.

(Jocelyn Domenden)

The post COVID-19 beds sa Manila quarantine facilities, bakante na appeared first on News Patrol.



COVID-19 beds sa Manila quarantine facilities, bakante na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments