Lima pa sa walong Pinoy na umuwi mula South Africa, natunton na ng DOH

Lima pa sa walong Pinoy na umuwi sa Pilipinas mula South Africa ang natunton na ng Dept. Of Health (DOH).

Kaugnay pa rin ito ng patuloy nilang pag-track sa nasabing mga biyahero dahil sa pag-iingat na ginagawa dulot ng Omicron variant ng COVID-19 na unang natuklasan sa South Africa.

Sa limang natunton, dalawa ang nasa quaranting facility at hinihintay ang kanilang test results, dalawa ang naka-home quarantine matapos magnegatibo sa test at isa naman ang nakakumpleto na ng kanyang 14-day quarantine, ayon kay Vergeire.

“Yes, we have already located another five, so we are just trying to locate two of these travelers,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Dahil diyan, dalawa na lang ang pinaghahanap pa ngayon ng DOH matapos naunang matunton nitong nakaraang araw ang isa sa kanila na negatibo naman sa COVID-19.

Dumating sa bansa ang mga Pinoy sa pagitan ng Nov. 15 at 29.

(NP/Toni Tambong)

The post Lima pa sa walong Pinoy na umuwi mula South Africa, natunton na ng DOH appeared first on News Patrol.



Lima pa sa walong Pinoy na umuwi mula South Africa, natunton na ng DOH
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments