(Photo credit: UK Parliament handout)
May community transmission na ng omicron variant ng coronavirus sa England.
Kinumpirma mismo ito ni British health minister Sajid Javid.
Gayonman, ayon pa rin kay Javid, maaga pa para masabing madidiskaril nito ang mga hakbang ng UK sa pagbangon mula sa COVID-19 pandemic.
Pero hindi umano ito ipagwawalang bahala ng pamahalaan kaya’t kasabay ng pagtatanggol niya sa pagpapatupad ng mga bago uling paghihigpit sa Britanya para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sa ngayon, may 261 nang kumpirmadong kaso ng omicron variant sa England, 71 sa Scotland at apat sa Wales.
“This includes cases with no links to international travel, so we can conclude there is now community transmission across multiple regions of England,” ayon kay Javid.
Kahapon, Lunes, Dec. 6, binigyang diin naman ni UK Prime Minister Boris Johnson na bukod sa mga ipinatutupad ngayong restriction laban sa omicron variant, wala nang mga bago pang paghihigpit ang gagawin bago mag-Pasko.
Isa sa pangunahing aksyon na ginawa ng UK nang pumutok ang omicorn variant ay ang paghihigpit sa mga papasok na biyahero sa kanilang bansa mula sa mga bansa sa southern Africa kung saan unang natukoy ang omicron variant.
(NP)
The post UK health minister: May community transmission na ng omicron variant sa England appeared first on News Patrol.
UK health minister: May community transmission na ng omicron variant sa England
Source: Trending Filipino News
0 Comments