PSA: Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, nabawasan nitong Oktubre

(File)

Nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong buwan ng October, ayon sa mga economic manager ng bansa.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, December 7,  bumaba ang unemployment rate ng bansa nitong October sa 7.4 percent mula sa 8.9 percent noong mga nakaraang buwan.

“The October 2021 labor force survey results affirmed the soundness of the government’s push to safely reopen the economy, restore employment, and manage the spread of COVID-19. As we relaxed restrictions to alert level 2, more people were able to work while COVID-19 positivity, case fatality, and bed occupancy rates continued to improve,” ayon pa sa joint statement ng economic managers ng bansa.

Ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho ay bumagsak dahil na rin sa pagluluwag ng quarantine restrictions sa bansa at muling pagbubukas ng mga negosyo.

Sumipa sa 3.5 milyong Pinoy ang unemployed o walang trabaho sa nasabing buwan.

‘Mas mataas ito kumpara sa  3.07 milyong naitalang walang trabaho sa Pilipinas noong July, 2021.

Sa kabila nito, mas mababa naman ang naitalang unemployed Pinoy kumpara sa kaparehas na panahon noong 2020 na umabot naman sa  P3.81 milyon.

“Sa populasyon ng 15 taong gulang pataas, ang bilang ng nasa labor force o mga indibidwal na employed o unemployed ay naitala sa 47.33 million nitong October  2021,” sabi sa sa Tweet ng PSA.

“Nevertheless, more people are employed today than in the months before the pandemic struck. Employment creation remained positive as 234,000 more Filipinos were able to find work in the past month. This brings total employment to 1.3 million above pre-pandemic levels,” ayon pa rin sa pahayag ng economic managers ng bansa.

“We are on the right track to a strong and early recovery. Once more, our strategy has been proven correct. The numbers tell us this.”

(w/report from Toni Tambong)

The post PSA: Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, nabawasan nitong Oktubre appeared first on News Patrol.



PSA: Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, nabawasan nitong Oktubre
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments