(Photo courtesy: South China Morning Post)
Diplomatic boycott.
Iyan ang gagawin ng USA sa darating na 2022 Beijing Winter Olympics dahil sa human rights record ng China.
Wala pang reaksyon mula sa China, pero matatandaan nagbabala ang Chinese foreign ministry na desidido sila na kontrahin ang mga hakbang kapag may nagpatupad ng boycott.
Ayon kay White House Press Secretary Jen Paskin, ang Amerika ay hindi magpapadala ng diplomatic o opisyal na kinatawan sa Beijing Games dahil sa nagaganap na pagpatay ng lahi at crimes against humanity sa Xinjiang at iba pang pang-aabuso sa karapatang pantao.
May 1 milyon Uyghurs at Turkic na karamihan ay Muslim minorities ang ikinulong sa mga kampo sa Xinjiang.
Inakusahan din ang China sa sapilitang sterilization sa mga kababaihan at ipinataw ang sapilitang pagtatrabaho.
Panawagan naman ni Bob Mendez, chair ng US Senate foreign relations committee sa allies at partners ng Amerika na sumali sa kanilang gagawing diplomatic boycott.
Ang Winter Olympics ay gaganapin sa February 4 hanggang 20, 2022 sa “closed loop” bubbles dahil sa banta pa rin ng COVID-19 pandemic.
(NP)
The post Diplomatic boycott ng USA sa Beijing Winter Olympics appeared first on News Patrol.
Diplomatic boycott ng USA sa Beijing Winter Olympics
Source: Trending Filipino News
0 Comments