(Photo courtesy: RTVM FB)
Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na bubuti ang hinaharap para sa bansa dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
“There are better days ahead because since Dec. 1, we are having an average of 500 to 600 COVID-cases and the number of active cases continues to go down,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
Giit ng Pangulo, ang COVID-19 positivity rate ay pababa at mas mababa ngayon sa 2%, kaya naniniwala siyang makakamtan ng mga Pilipino ang magandang Pasko ngayong taon.
Nakapagturok na rin ang gobyerno ng 10.2 milyong doses ng COVID-19 vaccines sa buong bansa mula November 29 hanggang December 3, sa National Vaccination Drive.
“This is a huge achievement against COVID-19. I would like to thank the doctors, the volunteers and all, of course, [Secretaries] Duque and Galvez, I would like to thank you on behalf of the Filipino people,” ayon pa sa pangulo.
Sinabi pa ng pangulo na nakatakdang maglunsad ang pamahalaan ng second vaccination drive mula naman sa December 15 hanggang 17.
“We pray to God that it will not come [Omicron variant] to our shores. But if ever it arrives, we hope we can cope with it just as we did with other variants of COVID-19,” sabi pa ng Pangulo.
(Toni Tambong)
The post Pangulong Duterte, naniniwalang makakamtan ng mga Pilipino ang magandang Pasko appeared first on News Patrol.
Pangulong Duterte, naniniwalang makakamtan ng mga Pilipino ang magandang Pasko
Source: Trending Filipino News
0 Comments