PH Maritime Zone bill, lusot na sa Kamara

Lusot na sa Kamara nitong sa  ikatlong pagbasa ang panukalang nagdedeklara sa maritime zones sa ilalim ng hurisdiksyon ng Pilipinas.

Sa bilang na 189 affirmative votes, inaprubahan ng mababang kapulungan ang House Bill No. 9981 o ang Philippine Maritime Zones Act na layuning ideklara ang baybayin ng bansa upang makapagtalaga ng legal bases kung saan maaaring isagawa ang social, economic, commercial at iba pang aktibidad.

Layunin din ng panukala na magbigay ng kalayaan sa pagpapatupad ng mga batas alinsunod sa mga karapatan at obligasyon na maaaring ipatupad ng Pilipinas sa saklaw nitong teritoryo.

Sa ilalim ng House Bill No. 9981, kabilang sa maritime zones ang internal waters, archipelagic waters, territorial sea, contiguous zone, exclusive economic zone at continental shelf.

Gayundin, nagbibigay ang panukala ng karapatan sa mga naturang maritime zones, na nagtatalaga sa eksklusibong karapatan ng Pilipinas at gamitin ang mga living at nonliving resources sa mga zones na ito alinsunod sa United Nations Convention on Law of the Sea (UNCLOS).

Sinabi ni House Committee on Foreign Affairs Chair Rep. Ann Hofer na ang panukala ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagtukoy sa hurisdiksyon ng bansa sa mga teritoryo nito na idineklara sa Permanent Court of Arbitration ruling noong July 2016.

(Toni Tambong)

The post PH Maritime Zone bill, lusot na sa Kamara appeared first on News Patrol.



PH Maritime Zone bill, lusot na sa Kamara
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments