Niyanig ng 7.3-magnitude earthquake ang eastern Indonesia ngayong araw, Martes, ayon sa US Geological Survey (USGS).
Ang epicenter ay hilaga ng isla ng Flores sa East Nusa Tenggara province.
Naglabas ng babala ang Meteorology Agency ng Indonesia kaugnay sa posibleng tsunami.
“I was in the field. People ran in panic. I am still… scared,” ayon sa residente ng Adonara island sa East Flores sa panayam ng AFP news agency.
Walang naiulat na malaking pinsala o namatay sa pagyanig, bagamat nagpaalala ang mga awtoridad na mag-ingat pa rin.
Itinaas ang tsunami warning sa Maluku, East Nusa Tenggara, West Nusa Tenggara at Southeast at South Sulawesi.
Madalas na nakararanas ng lindol ang Indonesia dahil ito ay nasa tinatawag na “Ring of Fire” sa Pacific, ang rehiyon mula sa Japan hanggang sa Southeast Asia kung saan malimit ang seismic activity.
Noong 2004, niyanig ng 9.1 magnitude earthquake ang Indonesia malapit sa Sumatra.
Nagdulot ito ng tsunami kung saan 220,000 ang namatay sa rehiyon.
(NP)
The post Tsunami warning itinaas sa Indonesia matapos ang 7.3 magnitude na lindol appeared first on News Patrol.
Tsunami warning itinaas sa Indonesia matapos ang 7.3 magnitude na lindol
Source: Trending Filipino News
0 Comments