Dumipensa na ang Department of Health (DOH) ngayon araw, Martes, sa sinasabing pinakawalan nito ang tyansang makabili ng murang syringes mula sa Amerika para sa National Vaccination Program ng gobyerno.
Ang paglilinaw ng DOH ay kasunod sa naging pahayag ni DFA Sec. Teddy Locsin na tinanggihan ng gobyerno ang 50 milyong syringes na alok ng Washington DC.
Ang tinutukoy na syringes ay ang 0.3ml na ginagamit sa Pfizer COVID-19 vaccine.
Giit pa ni Locsin na tumanggi ang pamahalaan na talakayin ito.
Paliwanag naman ng DOH, wala itong anumang kasalukuyang procurement ng 0.3ml syringes dahil nakapagtatag na ito ng mga stop-gap measures upang matiyak ang sapat na supply ng mga ancillaries dahil sa mga naantalang paghahatid ng mga biniling supply.
Dagdag pa ng DOH na sumusunod ang ahensiya sa mga patakaran at regulasyon sa patuloy na emergency procurement ng 0.5ml vaccine syringes.
Bagama’t nakatanggap ng alok para sa supply ng 0.3ml syringes, hindi maaaring kumilos ang DOH sa naturang unsolicited proposal.
Pero isinama nito ang nasabing kumpanya sa mga supplier nito para sa emergency na pagkuha ng 0.5ml syringes.
Alinsunod sa RA No. 9184 o ang Government Procurement Reform Act, ang DOH ay nagpadala ng Requests for Quotations (RFQs) sa proponent company at 50 iba pang lokal na supplier.
Tahimik na tumugon ang DOH sa mga tanong ng kumpanya sa pamamagitan ng mga technical staff nito na bihasa sa proseso ng pagbili para sa mga health commodities at partikular na naatasang tumugon sa mga tanong mula sa mga supplier.
Gayunpaman, nang kuwestiyunin ng kumpanya ang Approved Budget for Contract (ABC) o ang pinakamataas na presyo ng kontrata dahil sa pagiging masyadong mababa, kinailangan ulitin ng kagawaran ang probisyon sa Ceiling for Bid Prices ng 2016 Implementing Rules and Regulations ng RA No. 9184.
“There seems to be a string of misunderstandings regarding this issue. For one, the DOH is not procuring 0.3ml syringes at the moment, as our CHDs and hospitals have been given funds to procure the available alternative, tuberculin syringes. What we are procuring are 0.5ml syringes, and as part of our pool of suppliers, we invited as many suppliers as we can to get the best price for the government,” paliwanag ni Health Secretary Francisco T. Duque III.
“The UNICEF-procured syringes are 0.3ml, and so their price is not comparable to that of 0.5ml syringes. Moreover, DOH was able to procure the 0.5ml syringes last April 2021 at PHP 2.38, and has used such cost for its ABC,” dagdag pa ng kalihim.
“We have to follow pertinent rules and regulations, even as we undertake urgent procurements and activities for the pandemic response. We in the DOH have always been and continue to be committed to good governance, a cornerstone of public health, more so now during this health emergency. Let us not put our health professionals down with baseless accusations,” dagdag pa ni Duque.
(Jocelyn Domenden)
The post DOH, dumipensa sa sinasabing pinakawalang murang 50 milyong syringes appeared first on News Patrol.
DOH, dumipensa sa sinasabing pinakawalang murang 50 milyong syringes
Source: Trending Filipino News
0 Comments