Syria, inakusahan ang Israel ng pambobomba sa Latakia port area nito

(Photo credit: SANA news agency via Al Jazeera)

Inakusaahan ng Syria ang Israel na nagpasabog ng missiles sa Syrian port ng Latakia, 1:23am doon ngayong Martes, Dec. 7.

Ayon sa report ng SANA news agency, gayong walang ulat ng mga nasugatan, napinsala naman ang ilang mga container sa port.

Gayunman, sinabi ng isaang Syrian military official na nakontra rin nila ang pambobomba ng Israel.

Sa report naman ng Syrian state TV, limang pagsabog ang narinig sa port area na nagresulta sa malaking sunog.

Naapula rin agad ang apoy.

Samantala, wala namang komento ang Israeli military sa akusasyon ng Syria.

Ang Latakia port ay isang mahalagang pasilidad sa Syria dahil doon dumaraan ang karamihan ng mga inaangkat ng middle eastern country.

(NP)

The post Syria, inakusahan ang Israel ng pambobomba sa Latakia port area nito appeared first on News Patrol.



Syria, inakusahan ang Israel ng pambobomba sa Latakia port area nito
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments