DUQUE: Omicron, mild COVID case lang ang naidudulot sa pasyente

Mild lang ang naidudulot ng Omicron variant sa mga pasyente ng COVID-19 base sa mga naglalabasang mga ebidensya, ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Giit pa ni Duque sa ulat niya kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes na nakipag-ugnayan na siya kay World Health Organization country representative Dr. Rabi Abeyasinghe ukol sa Omicron na isang variant of concern.

“Number one lumalabas ho na mukhang dumadami ang ebidensya na mild ang Omicron, which is good for all of us,” pahayag ni Duque sa pakikipag-ugnayan ka Abeyasinghe.

“Number two, wala pa pong reported death on account of Omicron variant. Okay po ‘yan,” dagdag pa ni Duque.

Nitong December 5, sinabi ng DOH na 42 bansa o hurisdiksyon sa buong mundo ang nakapag-ulat ng 532 kaso ng Omicron variant.

Ayon kay Duque na ang variant na may hindi bababa sa 50 mutations ay maaaring mas nakahahawa.

“Although kanina sinabi ni Fr. Austriaco ang posibilidad na ito nga mas mabilis makahawa, tama po ‘yun, but to what extent, wala pong datos na malinaw o conclusive para masiguro na talagang ito ay mas transmissible,” paliwanag ni Duque.

“It probably is as Fr. Austriaco said, but to what degree nobody knows as of yet. In fact, even the reproductive rate of the Omicron variant continues to elude,” saad pa ng kalihim.

(Toni Tambong)

The post DUQUE: Omicron, mild COVID case lang ang naidudulot sa pasyente appeared first on News Patrol.



DUQUE: Omicron, mild COVID case lang ang naidudulot sa pasyente
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments