Hotel quarantine ng international travelers iminungkahing paiiksiin sa tatlong araw

Mungkahi ng isang government adviser na paiiksiin sa tatlong araw ang quarantine period sa hotel facilities ng mga biyahero mula sa Yellow at Green List countries.

Sa ngayon ay dapat sumailalim sa government facility-based quarantine o accredited hotel quarantine ang mga biyaherong uuwi ng Pilipinas sa loob ng limang araw.

Isasagawa ang swab test sa ika-limang araw at kung negative ang resulta ay maaari nang ituloy ang quarantine sa bahay sa loob ng pito hanggang walong araw.

Sa panayam sa Teleradyo, iginiit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mas praktikal at mas marami ang makauuwi sa bansa kapag ginawang tatlong araw ang quarantine sa hotel.

Ito ay habang wala pang gaanong impormasyon tungkol sa sintomas na dala ng COVID-19 Omicron variant.

“Kung gawin nila iyan, then there’s still a chance for people to make ‘habol’ here and come home,” pahayag ni Concepcion.

Mungkahi ni Concepcion ay ipatupad ito ng Department of Health bago mag-December 15 para mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong nasa Yellow at Green List countries na makahabol sa biyahe.

(Toni Tambong)

The post Hotel quarantine ng international travelers iminungkahing paiiksiin sa tatlong araw appeared first on News Patrol.



Hotel quarantine ng international travelers iminungkahing paiiksiin sa tatlong araw
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments