(Photo courtesy: East Asia Forum)
Umakyat sa record-high ang COVID-19 cases sa South Korea kahapon, December 1.
Kasabay nito, ibinalik ang 10-day quarantine requirement kahit sa mga fully vaccinated inbound travelers sa susunod na dalawang linggo upang maabatan ang pagkalat ng Omicron variant.
Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA), umakyat sa 5,266 ang COVID-19 cases nitong Miyerkules, ang ikalawang beses na lumampas sa 5,000 ang bilang ng infections.
Kinumpirma ng South Korea ang limang kaso ng Omicron variant infections, kabilang ang fully vaccinated couple na nanggaling sa Nigeria.
Pinagbawalan muna ng South Korea ang mga biyahero mula sa walong bansa kabilang ang South Africa kung saan unang natukoy ang variant.
“We’re on a bumpy path toward a phased recovery of normalcy, and risks from the new Omicron variant are rising,” ayon kay President Moon Jae-in sa ulat ng Reuters.
Fully vaccinated na ang 92% ng adults sa South Korea at ngayon ay pinagtutuunan ng pansin ang mga bata at ang booster shot program.
Sa ngayon, okupado na ang 90% ng intensive care unit beds sa Seoul.
(NP)
The post South Korea COVID-19 cases nasa record-high; quarantine restrictions sa mga biyahero ibinalik appeared first on News Patrol.
South Korea COVID-19 cases nasa record-high; quarantine restrictions sa mga biyahero ibinalik
Source: Trending Filipino News
0 Comments