Magkakaroon ng bawas-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo bukas, Martes, Dec. 28, ayon sa mga oil company.
May bawas na P0.65 kada litro sa diesel, nasa P0.20 naman sa gasolina at natapyasan ng P0.85 kada litro sa kerosene.

Ipatutupad ang bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo simula mamayang 12:01 ng hatinggabi, may ilang kumpanya na 6:00 ng umaga at may 8:01 ng umaga.
Sa pinakabagong datos ng Department of Energy (DoE), ang year-to-date adjustments ay may total net increase ng P14.95 kada litro sa diesel, nasa P17.85 kada litro sa gasolina at P12.39 naman sa kerosene.
(NP)
The post Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, Dec. 28. appeared first on News Patrol.
Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, Dec. 28.
Source: Trending Filipino News
0 Comments