Umakyat sa 2,838,792 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 318 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Nilinaw naman ng DOH, na bagama’t mababa ang kaso ngayong araw ay mayroon namang 28 testing laboratories na hindi nakapagpadala ng kanilang mga report.
Ayon pa sa DOH, 14 laboratories ang sarado noong Dec. 25 at ang iba naman ay hindi nakapag-submit ng data sa tamang oras.
Mayroon namang naitalang 255 na gumaling at 11 na pumanaw sa araw na ito.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% o 9,579 ang aktibong kaso, 97.9% o 2,778,002 na ang gumaling, at 1.80% o 51,211 naman ang namatay.
Kahit pa bumaba ang kaso ngayon, nananatili pa rin ang paalala ng gobyerno na sumunod sa health protocols na ipinapatupad nito.
Pinaaalala rin ng DOH na ipagpatuloy ang pagsusuot ng facemask na may face shield, mag-physical distancing at maghugas ng kamay.
Maigting pa rin ang kampanya ng gobyerno na magpabakuna ang publiko para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.
(NP)

The post 318 na bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, December 27 appeared first on News Patrol.
318 na bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, December 27
Source: Trending Filipino News
0 Comments