Mananatiling patas ang Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng China at Taiwan ayon kay Pang. Duterte.
Ang dahilan, hindi kaya ng Pilipinas na pumasok sa isang giyera laban sa Asian giant.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos niyang ianunsyo na may malaki at mahalagang gampanin ang mga sundalo at mga pulis sa pagde- deliver o pagdadala ng tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng bagyong “Odette” sa Visayas at Mindanao.
Sa isang command conference sa Lapu-Lapu City noong nakaraang linggo, sinabi ni Duterte na maganda na rin na walang tensyon sa West Philippine Sea (WPS) dahilan para makatulong ang mga sundalo sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Subalit, kahit pa aniya may tensyon sa WPS ay wala pa rin siyang balak na pumasok sa giyera dahil hindi kakayanin ng Pilipinas na labanan ang Asian superpower.
“I would never allow that for as long as I sit President. Hindi na tayo magsali diyan sa China…How can we match the firepower of China?” sabi pa ng Pangulo.
“They are not geared for war. Bakit ako sasali diyan na makita mo naman kung.. what’s happening?”
Tinukoy ng Pangulo ang umiigting na tensyon sa pagitan ng Taipei at Beijing. Iginiit ng China na ang democratically-ruled Taiwan ay bahagi ng kanilang teritoryo.
Pinaigting ng China ang military activities malapit sa isla, ang dahilan ng nasabing tensyon.
“One miscalculation would start a war in the region,” giit ng pangulo.
Binigyang diin ni Duterte na mananatiling neutral ang Pilipinas sa nasabing usapin kahit ano pa man ang mangyari.
“Itong issue ng Taiwan. If it goes south, one simple mistake, miscalculation diyan… ‘yung mga missiles nila ulanin ‘yung Taiwan, then there is really [a] war. I said that minuscule lang tayo diyan sa power play nila. It does not concern us,” dagdag pa ng pangulo.
“It does not give us any reason to rise up in arms against China. That would be the most foolish thing that can ever happen there. We stay neutral. Bahala sila,” pagpapatuloy ng Pangulo.
(Toni Tambong)
The post Pilipinas, walang papanigan sa gusot sa pagitan ng China at Taiwan appeared first on News Patrol.
Pilipinas, walang papanigan sa gusot sa pagitan ng China at Taiwan
Source: Trending Filipino News
0 Comments