Magsasagawa ang ilang malalaking ospital ng limang araw na “PhilHealth holiday” kung saan hindi sila magbabawas sa bayarin para sa serbisyong medikal, ayon sa samahan ng mga pribadong ospital.
Sinabi ni Private Hospitals Associations of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene De Grano, hinihikayat ng grupo ang mga miyembro nito na huwag tumanggap ng reimbursements kabilang ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) mula Enero 1 hanggang 5, 2022.
“Maaaring mabigat para sa ibang hospital ang talagang kumalas kaagad dahil may mga serbisyo po na talagang dependent sa PhilHealth. Ipapakita po namin na sinusuportahan namin ang mga hospital na ito na kumakalas at ine-encourage namin sila [PHAPi members] na January 1 to 5, magkaroon muna tayo ng PhilHealth holiday,”
“Hindi muna po kami magde-deduct ng mga health benefits,” dagdag ni De Grano.
Ito ay kasunod ng pagkalas ng pitong ospital sa Iloilo, pati na rin ng Far Eastern University-Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) sa PhilHealth dahil sa matagal na pagbabayad ng claims.
“Sana po ay maunawaan kami ng ating mga kababayan kung sakali mang matuloy itong aming binabalak na gagawin na ito,” apela ni De Grano, at sinabing aabot sa P5 bilyon ang utang ng ahensya sa mga ospital sa Metro Manila pa lamang.
Ayon naman sa tagapagsalita ng PhilHealth, tinitingnan na nila ang unpaid claims ng pitong ospital para maayos na ang gusot.
“We are reconciling the figures because they gave us a figure which is more than our actual in-process claims. They have included figures or amounts that was of claims that were returned to hospitals and denied and on our side, we cannot pay for claims that are returned to hospitals unless they refile it with us,” saad ni PhilHealth spokesperson Shirley Domingo sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC).
Umaasa ang PhilHealth na magiging katanggap-tanggap sa mga ospital ang magiging resulta ng pag-reconcile ng mga figure.
Sa ilalim ng mandato nito, ang PhilHealth ang itinalaga na magpatupad ng National Health Insurance Program na naglalayon na magbigay ng health insurance coverage at siguruhin ang abot-kaya, katanggap-tanggap, available at accessible na serbisyong medical sa mga Pilipino.
Ayon sa PhilHealth noong isang buwan, layunin nito na mabayaran lahat ng utang na claims sa mga pribadong ospital pagsapit ng Disyembre.
(Toni Tambong)
The post Ilang pribadong ospital, magsasagawa ng “PhilHealth Holiday” simula Jan. 1 appeared first on News Patrol.
Ilang pribadong ospital, magsasagawa ng “PhilHealth Holiday” simula Jan. 1
Source: Trending Filipino News
0 Comments