Idineklara na bilang National Cultural Treasures ng bansa ang Quezon Memorial Shrine (QMS), batay sa anunsyo ng National Museum, December 27.
Ang National Cultural Treasure citation ang pinakamataas na iginagawad na pagkilala ng gobyerno sa isang cultural property.
Nagpasalamat naman si Mayor Joy Belmonte ukol sa naturang deklarasyon.
“Maraming salamat sa National Museum of the Philippines sa pangunguna ni Director-General Jeremy Barnes. Malaking karangalan ang natatanging pagkilala na ito na sumasalamin din sa makulay na kasaysayan at kultura ng Lungsod Quezon,” pahayag ni Belmonte.
Sa Republic Act 10066, ipinapakahulugan ng National Cultural Heritage Act of 2009 ang National Cultural Treasure na “a unique cultural property found locally, possessing outstanding historical, cultural, artistic and/or scientific value which is highly significant and important to the country and nation.”
Ang Quezon Memorial ay idinisenyo ni Arch. Federico Ilustre ng Bureau of Public Works na ngayon ay Department of Public Works and Highways para kay late President Manuel Luis M. Quezon.
Makikita rito ang tatlong 66 metrong pylon na kinakatawan ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Matatagpuan din dito ang museum at musoleo ng dating Pangulong Manuel L. Quezon at kanyang asawa na si Aurora.
Ang Quezon Memorial Shrine ay ikalawang National Cultural Treasure na matatagpuan sa Quezon City.
Noong 2012, una nang idineklarang National Cultural Treasure ang imahen ng Our Lady of The Most Holy Rosary, La Naval De Manila sa Sto. Domingo Church.
(Toni Tambong)
The post Quezon Memorial Shrine, ideneklarang National Cultural Treasure appeared first on News Patrol.
Quezon Memorial Shrine, ideneklarang National Cultural Treasure
Source: Trending Filipino News
0 Comments